Monday, August 11, 2008

The Funniest!!! -- written purely in Filipino!



My apologies to all who cannot read or understand Filipino... cause i have to say this in our own language....


Ngayon lang, narinig ka sa balita ang pinaka nakakatawang kwento na narining ko mula nung SONA ng pangulo! akala ko yung linyang "may solusyon na sa kahirapan dahil P .50 na lang ang text messaging.." na ang pinakanakakatawang balita meron pa palang iba...

sabi ni ted failon, kina career na daw ng pangulo ang pagbebenta ng made in teh philippines pancit canton sa china! take note, kalabasa flavor!!! bwahahahahaa.... grabe muntik na akong mahulog sa upuan!!!

haaay naku... may pag-asa pa kaya talaga ayong mga pinoy??? Ano ba?!!??! may gyera na nga mga dalawang bayan mula dito sa amin e.. tapos ang kina career ng pangulo ay ang pagbebenta ng pansit sa mga tsinong nag imbento ng pansit!! haaay dyosme!!! patawarin nawa!!!

magaya na nga lang itong isang to na nakita ko sa gilid ng ABS CBN mother ignacia quezon city na namumulot ng basura at wariy kinukwenta na nya ang kikitain... hanep ano at may mp3 player pa yata ang mama.... dehins sya care sa pansit!!


No comments: